Huwebes, Agosto 19, 2010

Tito's Boy ni Reymark T. Lubo

   Tito's Boy 

Ang tito ko ,Tatay ko na ata.Ewan ko ba?.Basta alam ko magkasundo kaming dalawa hehehe.Problemang di ko maayus,sa mga kasayahan to the max,at pag-ibig na tunay sa taong minamahal hay naku si Tito lang ang mapupuntahan ko sa mga sitwasyon kong ito.Si Tito ang madalas ko makasama  araw-araw dito saa bahay niya kaya nagiging tatay ko na siya manuod man ng T.V talagang kwentuhan to the max si Tito sa pinapanuod namin haha nakakatawa nga eh kasi ang galing noh!.Sa pag-ibig naman naku po ang Tito ko magaling diyan.Sa daming chikas niya di siya makapili kaya ayun walang pa ding asawa pero enjoy pa din siya.Mula nung nagka-girlfriend ako sinabi niya sa akin dapat wag ko daw ibigay lahat at wag ko daw mahalin ng sobra-sobra dapat daw may distansiya at saktong pagmamahal lang daw dapat.Pero nung nagka-break na kami ng girlfriennd ko naku uber na realize ko tama nga si Tito mahirap kalimutan ang isang tao na minahal mo hagit pa sa buhay mo.Wow talaga iba na kasi kapag maraming ng alam pagdating sa pag-ibig  tulad ni Tito.

Samantalang sina Tatay di ko masyado nakakasama kasi tuwing Linggo na umuuwi kaya yun si Tito lagi nakakasama ko .Habang sila utol at si Nanay ko ay laging busy sa mga gawain nila busy din sa trabaho.Hirap na hirap kami sa buhay saka nagtayo lang kami ng bahay sa lupa ng Tito ko.Sobrang bait niya nung wala kaming matitirahan si Tito ang tumulong sa amin sa lumang kulungan ng baboy ayon inayus namin nila Tatay at ginawa naming bahay at ayun nagkaroon pa din kami ng bahay at di na kami umuupa.Pero kapos pa din kami at hirap na hirap pa din sa buhay ang aking pamilya kasi nahihirapan na ang aking mga magulang sa pag-aaral sa akin.Minsan narinig ko sila Nanay at Tatay na nag-uusap at nalaman ko ako pala ang dahilan kung bakit kami kinakapos at nahihirapan.Sana na di na lang ako nag-aral pero nung nalaman ko yun di naman ako nagalit sa kanila natawa pa nga ko pero medyo dinamdam ko pa din ayus lang ala ako magagawa.Pero si Tito may sinabi sa akin na tutulunagan niya ako makapag tapos ng pag-aaral sa kolehiyo at napangiti ako sabi ko imposible naman tulungan ako hehehe.Kaso kapag tuwing aalis na ko para pumapasok naku po di ako pinapalagpas sa tanong na "may baon ka na ba"?nagagalit siya kapag pera ko ginagamit para sa baon ko binibigyan niya ako ng ng extrang money o kaya mga pambayad naman sa school syempre humihingi din ako sa mga magulang ko ng mga bayarin di naman lagi sa Tito ko Si Tito  talaga ewan ko ba ang bait niya sa akin para ngang anak niya daku.Nakakaiyak nga nung sinabi niya sa akin yun.

Si Tito talaga maisan o.a ang korni niyang mag jowk at pinagtritripan pa ko kapag umuuwi ako.Lalo kapag may mga sakit kami panapasiya niya ko kasi nung nagkasakit ako ng T.B siya yung nagbabantay sa akin hay puro siya jowk kahit korni ahahha.Mula din nung na Dengue ang dalawa kung kapatid siya ang nautangan namin ng mga bayarin sa hospital.Di ko alam kung pano ko pasasalamatan o susuklian na tulong na ginagawa niya sa  aming pamilya lalo't na ako na tinutulungan pa sa pag-aaral ko.Basta alam ko at tandang-tanda ko ang sinabi niya"Kung mamatay man siya sa alak para daw siyang Sam Miguel beer na di mawawala o malilimutan sa mga taong tinulungan niya kaya nga Itaas mo"heheh ang k.j nga ng linyang ito pero makahulugan haha ewan basta may pinapahiwatig siya sa buhay ko .Wala nang hihigit sa Tito ko siya ang da best at suprhero ko .At the ends kung makakatapos man ako ng pag-aaral ko wag na wag ko daw kalimutan na tulungan ang aking maga kapatid,magulang,at mga importanteng mga tao sa buhay ko.Wag ko di kalimutan ang mga kalokohan,mga masasayang ginawa ko,at ang pangchichicks toyo din Tito ko ahaha kasi baka daw umalis na din siya kakalugkut isipin kung mangyayari yun.At ang huliing habilin niya sa akin kung makakatapos man ako sa aking pag-aaral dapat maging huwaran at magaling na Guro ko sa hinaharap.

1 komento: