"Sumbong kita sa Daddy ko" isang gasgas na linya ng mga kabataang malapit sa kanilang mga ama o pinakamamahal na ama sa tamang katawagan ng nakakarami.Ang pagiging malapit sa maguling ay isang magandang bagay na dapat taglayin ng isang anak,lalo pa kung sa isang haligi ng tahanan,mapapansin kasi natin na mas mahigpit ang mga kalalakihan kumpara sa mga kababaihan ngunit dito masasalamin ang pagiging mapagmahal nito sa mga anak.Isang paraan ng pagdidisiplina ng isang ama ng tahanan ay ang pagiging istrikto nito sa maraming bagay ,ramdam o batid naman natin kung anu-ano ang mga ito subalit ginagawa niya ito kung saan ka magiging komportable at makakasabay.hindi ba't kahanga-hanga sila.Mapapansin natin na ang mga lalaki ang may mabigat na responsibilidad sa pamilya sapagkat kinakaylangan nitong suportahan ang mga pangangailangan ng mga kasapi nito,materyal man o emosyonal;ginagawa niyang lahat iyon upang mabigyan ng maginhawang buhay ang kanyang pamilya,lalong-lalo na ang mga anak.Tinitiis nito ang anumang hirap na kanyang dadanasin makita lamang na masaya ang mga ito.
Tila kay sarap sa pakiramdam na ang isang mahal mo sa buhay ay iyong kasama,napaparamdam at naipapakita mo sa kanya ang iyong malasakit at pagmamahalupang maibalik ang kunswelo sa mga sakripisyo nito tulad sa iyong tatay,papa,daddy o erpats:may iba't-iba man itong katawaganngunit iisa ang gampanin nila sa ating buhay,na tayo ay mailagay sa mabuting kalagayan.Sa pagpapatuloy ang isang responsableng ama ay sinasaluduhansapagkat napakalaking ambag nito sa ating paglago bilang isang mabuting tao,sila ay tumatayong inspirasyonsa pagtupad ng mga pangarap at sila ay maaasahan sa lahat ng bagay,Kung kaya't isang paalala ang nais kong iwanan sa puntong ito.PAKAMAHALIN AT IGALANG ANG INYONG MGA AMA SAPAGKAT HINDI NATIN ALAM ANG KANILANG PINAGDADAANAN UPANG TAYO'Y MABIGYAN NG MAGANDANG KINABUKASAN,!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento