Huwebes, Agosto 19, 2010

Tita's girl-Maria Lara Stephany S.Herra

Tita's Girl..Wow!!!
(tita ko ata yan..!)


       Ako yung taong masaya na sa simpleng bagay lang,sanay sa simpleng buhay, marunong magtiis.Pero kung tatanungin mo ko ngayon kontento na ko sa buhay ko ngunit kung bibigyan ako ng biyaya ni God syempre naman tatanggapin ko ng buong-buo.Ako din yung tipo ng tao na mapagmahal sa lahat ng mga taong nagmamahal sa akin,syempre naman mahal ko mga magulang ko,mga kapatid ko,mga relatives ko.Sa katunayan nga sa buhay kong ito sa kanila lng ako humuhugot ng lakas ng loob para mag-aral ng mabuti,kasi naman napakasarap nilang magmahal.Kung titingnan mo ko ngayon hindi mo aakalaing tita's girl pala ko,kasi close naman ako halos sa lahat ng mga kamag-anak ko.


    Oo nga tita's girl ako,kasi sa tita ko nasasabi ko lahat ng mga pangyayari sa buhay ko masaya man o malungkot.Katunayan nga pati mga nangyayari sakin sa School kinukwento ko sa kanya,at kung sino ang crush ko,tanging tita ko lamang ang napapagsabihan ko ng ganoong sikreto sa aming bahay.Lagi rin siyang nakasuporta sa akin sa anumang bagay,nandiyan para magbigay sa akin ng advice.Karaniwan din sa tita ko ako nakakahingi ng  extra money pag may bayarin sa school.

      Kung minsan pa nga nagseselos na ang mga magulang ko sa tita ko kasi mas madalas pa ako sa bahy ng tita ko kaysa sa bahay namin.Para kasi sa akin mas masarap kabonding ang tita ko,lumaki kasi bako sa tabi niya,nasanay akong walang umaapi sa akin kapag kasama ko siya.At hindi rin naman alangan dahil ako rin ang paborito niyang pamangkin.Dalawampu'tdalawa kami peri mismo sa tita ko nanggaling na ako raw ang paborito niya,Nakakatuwang pakinggan at isipin hindi ba.??Pero maliktarin man antin ang daigdig mas mahal ko pa din ang mga magulang ko,paborito at mas gusto ko lamang kasama ang aking tiyahin.Dahil karaniwan ay katuwang ko siya sa maraming bagay...Salamat kay God kasi binigyan niya ako ng tita na katulad nito,,mapalad ako.I love my TITA...!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento