Huwebes, Agosto 19, 2010

Mommy's Girl ni Ronalene Ofiana

Mommy's Girl
  


             Sa kasalukuyang panahon ang mga nanay ay sobrang nagpoprotekta sa kanilang mga anaksa kadahilanang masyadong magulo ang panahon ngayon.Sa takot  ng mga magulang ay nasosobrahan naman ang pagpapalaki sa mga anak.Na nagiging sanhi naman ng sobrang pag-aalaga na humahantong sa pagiging walang alam ng kanilang anak pagdating ng panahon na tumatanda na sila,hindi na sila makapagpasya para sa kanilang sarili.

            May iba pang dahilan kung bakit nagiging mommy's girl.Sa kadahilanang nag-iisang anak lang ang batang ito kaya masyadong inaalagaan ng ina,at lahat ng magustuhan ng bata ay ibinibigay at dahil sa sitwasyong ito'y nawiwili ang bata na laging sumama sa kanyang ina.           

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento