Huwebes, Agosto 19, 2010

Kuya's Girl ni Aica Sumala

Kuya ko yan!!


     Ang totoo,masarap sa pakiramdam kapag may pamilya kang tinatawag.Sila ang kakampi at karamay sa priblemang dumarating sa ating buhay,dagdag pa dito pamilya ang nagsisilbing inspirasyon sa atin.
     
     Ako masasabikong maswerte ako mula sa pagmamahal at ateisyong ibinibigay ng mga magulang at ng mga kapatid ko.Simple lang ang buhay koat simple lang din ako.Pero alam nyo ba na kuya's girl ako???Opo kuya's girl ako katunayannito mayroon akong dalawang kuya,yung isa nakakasama ko sa bahay;samantalang yung isanaman hindi dahil kasalukuyan siyang nagtatrabaho sa barko,siya ang nagpapaaral sa akin.

     Isa-isahin natin ang mga ugali ng mga kuya ko na talagang gusto ko at talagangminahal ko.Pero bago yun papakilala ko muna sila.Ang una si Joseph Sumala tawag sa kanya ay "otep"siya ang kuya kong pangalawasa matanda,mabait siya,lagi niya akong binibili ng pabangoat talaga namang malapit kami sa isa't isasa kanya ako nagsusumbong kapag inaaway ako ng kapatid kong bunso.Tumutulong din siya kay Papa sa gastusin sa bahay.Ang pangalawa ko namang kuya ay si Jojo Sumala"jojo"ang tawag sa kanya.Si kuya Jojo ay responsableng kuyadin dahil ngayon ay nagtitiis siya ng malayosa mga minamahalniya sa buhay.Nagtatrabaho siya para makatulong kay Mama at Papa,at syempre para makapag-aral ako.Malayo man siya sa akin ramdam ko parin ang pagiging kuya niya sa akin.lagi niyang kinakamusta ang pag-aaral koat lagi niyang pinapaalala na mag-aral akong mabuti para maibalik namin sa aming mga magulangang paghihirap nila para mapalaki kaming magkakapatid.Matanda na kasi dila Mama at Papa kaya ayaw na nila kuya ko na magtrabaho sila.Kuya's girl ako at maswerte ako dahil sila ang mga kuya ko.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento