Sa "BLOG" na ito mababasa at malalaman natin kung sino ang mas mahal ng mga kagrupo ko sa bawat miyembro ng kanilang pamilya.Lahat naman tayo mahal natin ang bawat isa sa ating pamilya,subalit meron talagang tayong sinasabi na nakakahigit o mas matibang. *NILALAMAN NG BLOG *Tita's girl- ni Lara Herra *Daddy's girl-ni Leanne Dela cruz *Mommy's girl-ni Ronalene Ofiana *Kuya's girl-ni Aica Sumala *Ate's girl -ni Charmaine Garcia *Tito's boy-ni Reymark Lubo
Huwebes, Agosto 19, 2010
Daddy's Girl ni Jan Leanne dela Cruz
"Sumbong kita sa Daddy ko" isang gasgas na linya ng mga kabataang malapit sa kanilang mga ama o pinakamamahal na ama sa tamang katawagan ng nakakarami.Ang pagiging malapit sa maguling ay isang magandang bagay na dapat taglayin ng isang anak,lalo pa kung sa isang haligi ng tahanan,mapapansin kasi natin na mas mahigpit ang mga kalalakihan kumpara sa mga kababaihan ngunit dito masasalamin ang pagiging mapagmahal nito sa mga anak.Isang paraan ng pagdidisiplina ng isang ama ng tahanan ay ang pagiging istrikto nito sa maraming bagay ,ramdam o batid naman natin kung anu-ano ang mga ito subalit ginagawa niya ito kung saan ka magiging komportable at makakasabay.hindi ba't kahanga-hanga sila.Mapapansin natin na ang mga lalaki ang may mabigat na responsibilidad sa pamilya sapagkat kinakaylangan nitong suportahan ang mga pangangailangan ng mga kasapi nito,materyal man o emosyonal;ginagawa niyang lahat iyon upang mabigyan ng maginhawang buhay ang kanyang pamilya,lalong-lalo na ang mga anak.Tinitiis nito ang anumang hirap na kanyang dadanasin makita lamang na masaya ang mga ito.
Tila kay sarap sa pakiramdam na ang isang mahal mo sa buhay ay iyong kasama,napaparamdam at naipapakita mo sa kanya ang iyong malasakit at pagmamahalupang maibalik ang kunswelo sa mga sakripisyo nito tulad sa iyong tatay,papa,daddy o erpats:may iba't-iba man itong katawaganngunit iisa ang gampanin nila sa ating buhay,na tayo ay mailagay sa mabuting kalagayan.Sa pagpapatuloy ang isang responsableng ama ay sinasaluduhansapagkat napakalaking ambag nito sa ating paglago bilang isang mabuting tao,sila ay tumatayong inspirasyonsa pagtupad ng mga pangarap at sila ay maaasahan sa lahat ng bagay,Kung kaya't isang paalala ang nais kong iwanan sa puntong ito.PAKAMAHALIN AT IGALANG ANG INYONG MGA AMA SAPAGKAT HINDI NATIN ALAM ANG KANILANG PINAGDADAANAN UPANG TAYO'Y MABIGYAN NG MAGANDANG KINABUKASAN,!
Mommy's Girl ni Ronalene Ofiana
Sa kasalukuyang panahon ang mga nanay ay sobrang nagpoprotekta sa kanilang mga anaksa kadahilanang masyadong magulo ang panahon ngayon.Sa takot ng mga magulang ay nasosobrahan naman ang pagpapalaki sa mga anak.Na nagiging sanhi naman ng sobrang pag-aalaga na humahantong sa pagiging walang alam ng kanilang anak pagdating ng panahon na tumatanda na sila,hindi na sila makapagpasya para sa kanilang sarili.
May iba pang dahilan kung bakit nagiging mommy's girl.Sa kadahilanang nag-iisang anak lang ang batang ito kaya masyadong inaalagaan ng ina,at lahat ng magustuhan ng bata ay ibinibigay at dahil sa sitwasyong ito'y nawiwili ang bata na laging sumama sa kanyang ina.
Tita's girl-Maria Lara Stephany S.Herra
(tita ko ata yan..!)
Ako yung taong masaya na sa simpleng bagay lang,sanay sa simpleng buhay, marunong magtiis.Pero kung tatanungin mo ko ngayon kontento na ko sa buhay ko ngunit kung bibigyan ako ng biyaya ni God syempre naman tatanggapin ko ng buong-buo.Ako din yung tipo ng tao na mapagmahal sa lahat ng mga taong nagmamahal sa akin,syempre naman mahal ko mga magulang ko,mga kapatid ko,mga relatives ko.Sa katunayan nga sa buhay kong ito sa kanila lng ako humuhugot ng lakas ng loob para mag-aral ng mabuti,kasi naman napakasarap nilang magmahal.Kung titingnan mo ko ngayon hindi mo aakalaing tita's girl pala ko,kasi close naman ako halos sa lahat ng mga kamag-anak ko.
Oo nga tita's girl ako,kasi sa tita ko nasasabi ko lahat ng mga pangyayari sa buhay ko masaya man o malungkot.Katunayan nga pati mga nangyayari sakin sa School kinukwento ko sa kanya,at kung sino ang crush ko,tanging tita ko lamang ang napapagsabihan ko ng ganoong sikreto sa aming bahay.Lagi rin siyang nakasuporta sa akin sa anumang bagay,nandiyan para magbigay sa akin ng advice.Karaniwan din sa tita ko ako nakakahingi ng extra money pag may bayarin sa school.
Kung minsan pa nga nagseselos na ang mga magulang ko sa tita ko kasi mas madalas pa ako sa bahy ng tita ko kaysa sa bahay namin.Para kasi sa akin mas masarap kabonding ang tita ko,lumaki kasi bako sa tabi niya,nasanay akong walang umaapi sa akin kapag kasama ko siya.At hindi rin naman alangan dahil ako rin ang paborito niyang pamangkin.Dalawampu'tdalawa kami peri mismo sa tita ko nanggaling na ako raw ang paborito niya,Nakakatuwang pakinggan at isipin hindi ba.??Pero maliktarin man antin ang daigdig mas mahal ko pa din ang mga magulang ko,paborito at mas gusto ko lamang kasama ang aking tiyahin.Dahil karaniwan ay katuwang ko siya sa maraming bagay...Salamat kay God kasi binigyan niya ako ng tita na katulad nito,,mapalad ako.I love my TITA...!
Tito's Boy ni Reymark T. Lubo
Ang tito ko ,Tatay ko na ata.Ewan ko ba?.Basta alam ko magkasundo kaming dalawa hehehe.Problemang di ko maayus,sa mga kasayahan to the max,at pag-ibig na tunay sa taong minamahal hay naku si Tito lang ang mapupuntahan ko sa mga sitwasyon kong ito.Si Tito ang madalas ko makasama araw-araw dito saa bahay niya kaya nagiging tatay ko na siya manuod man ng T.V talagang kwentuhan to the max si Tito sa pinapanuod namin haha nakakatawa nga eh kasi ang galing noh!.Sa pag-ibig naman naku po ang Tito ko magaling diyan.Sa daming chikas niya di siya makapili kaya ayun walang pa ding asawa pero enjoy pa din siya.Mula nung nagka-girlfriend ako sinabi niya sa akin dapat wag ko daw ibigay lahat at wag ko daw mahalin ng sobra-sobra dapat daw may distansiya at saktong pagmamahal lang daw dapat.Pero nung nagka-break na kami ng girlfriennd ko naku uber na realize ko tama nga si Tito mahirap kalimutan ang isang tao na minahal mo hagit pa sa buhay mo.Wow talaga iba na kasi kapag maraming ng alam pagdating sa pag-ibig tulad ni Tito.
Samantalang sina Tatay di ko masyado nakakasama kasi tuwing Linggo na umuuwi kaya yun si Tito lagi nakakasama ko .Habang sila utol at si Nanay ko ay laging busy sa mga gawain nila busy din sa trabaho.Hirap na hirap kami sa buhay saka nagtayo lang kami ng bahay sa lupa ng Tito ko.Sobrang bait niya nung wala kaming matitirahan si Tito ang tumulong sa amin sa lumang kulungan ng baboy ayon inayus namin nila Tatay at ginawa naming bahay at ayun nagkaroon pa din kami ng bahay at di na kami umuupa.Pero kapos pa din kami at hirap na hirap pa din sa buhay ang aking pamilya kasi nahihirapan na ang aking mga magulang sa pag-aaral sa akin.Minsan narinig ko sila Nanay at Tatay na nag-uusap at nalaman ko ako pala ang dahilan kung bakit kami kinakapos at nahihirapan.Sana na di na lang ako nag-aral pero nung nalaman ko yun di naman ako nagalit sa kanila natawa pa nga ko pero medyo dinamdam ko pa din ayus lang ala ako magagawa.Pero si Tito may sinabi sa akin na tutulunagan niya ako makapag tapos ng pag-aaral sa kolehiyo at napangiti ako sabi ko imposible naman tulungan ako hehehe.Kaso kapag tuwing aalis na ko para pumapasok naku po di ako pinapalagpas sa tanong na "may baon ka na ba"?nagagalit siya kapag pera ko ginagamit para sa baon ko binibigyan niya ako ng ng extrang money o kaya mga pambayad naman sa school syempre humihingi din ako sa mga magulang ko ng mga bayarin di naman lagi sa Tito ko Si Tito talaga ewan ko ba ang bait niya sa akin para ngang anak niya daku.Nakakaiyak nga nung sinabi niya sa akin yun.
Si Tito talaga maisan o.a ang korni niyang mag jowk at pinagtritripan pa ko kapag umuuwi ako.Lalo kapag may mga sakit kami panapasiya niya ko kasi nung nagkasakit ako ng T.B siya yung nagbabantay sa akin hay puro siya jowk kahit korni ahahha.Mula din nung na Dengue ang dalawa kung kapatid siya ang nautangan namin ng mga bayarin sa hospital.Di ko alam kung pano ko pasasalamatan o susuklian na tulong na ginagawa niya sa aming pamilya lalo't na ako na tinutulungan pa sa pag-aaral ko.Basta alam ko at tandang-tanda ko ang sinabi niya"Kung mamatay man siya sa alak para daw siyang Sam Miguel beer na di mawawala o malilimutan sa mga taong tinulungan niya kaya nga Itaas mo"heheh ang k.j nga ng linyang ito pero makahulugan haha ewan basta may pinapahiwatig siya sa buhay ko .Wala nang hihigit sa Tito ko siya ang da best at suprhero ko .At the ends kung makakatapos man ako ng pag-aaral ko wag na wag ko daw kalimutan na tulungan ang aking maga kapatid,magulang,at mga importanteng mga tao sa buhay ko.Wag ko di kalimutan ang mga kalokohan,mga masasayang ginawa ko,at ang pangchichicks toyo din Tito ko ahaha kasi baka daw umalis na din siya kakalugkut isipin kung mangyayari yun.At ang huliing habilin niya sa akin kung makakatapos man ako sa aking pag-aaral dapat maging huwaran at magaling na Guro ko sa hinaharap.
Ate's Girl ni Charmaine Garcia
Isa akong certified Ate's girl,hindi lang isang Ate kuny hindi tatlo.Bawat isa sa kanila ay may malaking ginagampanan sa akin.Dahil Ati's girl nga ako.anumang naisin koay nakukuha ko perohindi basta-basta.Kapag nabasa nyo naang kabuuan ng Blogay siguradong maiisip nyo na hindi lahat ng Ate'd girl ay totally spoiled na.
Nabanggit ko nana may ginagampanan ang bawat isa sa mga Ate ko sa sarili kong pangangailangan.Una syempre nandiyan ang mga matiryal na bagay.Ang nagbibigay sa akin ng mga ito ay si Ate Puling a.k.a Aguida pangalan pa lang mayaman na,siya ang tagabili ko syempre meron na naman kondisyon bago ko makuha ang bagay na yonat ang nagbibigay niyan ay ang panganay naming si ati Che-che,siya ang nag-iisip kung ano ang magiging kapalit ng bagay na gusto ko.Noong high school ang kadalasang naiisip niya ay ang panatilihing matataas angnga grado ko.Syempreng akong nakakabata susunod agad upang makuha ang nais.Lagi naman ganon ang pinapagawa niya kaya hindi na ako masyadong nahihirapan.Maliban na lang kapag may mga problema sa school tulad na lang ng nagkakaroon ng kaaway at diyan pumapasok ang ang aking dakilang tagapagtanggol.Si Ate Cherry a.k.a. Dragona kaya dragina ay tunay nga namang nakakatakotsiya kapag nagagalitat iyan ang panama ko sa mga nang-aapi sa akin.Pinapagtanggol niya ako at sinisigurado niyang mata lang ang walang lataypero pati sa amin ganon din ang gagawin niya.Sinasabi niya sa akin na hindi sa lahat ng pagkakataon ay n andiyan diya upang aki'y kanyang ipagtanggol,dapat daw ay matuto akong lumaban.Natutuwa ako kapag ganon ang sinasabi niyakasi mas nararamdaman ko ang pagmamahal .Hindi lahat ng Ate's girl ay totally spoiled at isa akong magandang patunay niyan.I love being Ate's girl and I love my sisters.:))
Kuya's Girl ni Aica Sumala
Ang totoo,masarap sa pakiramdam kapag may pamilya kang tinatawag.Sila ang kakampi at karamay sa priblemang dumarating sa ating buhay,dagdag pa dito pamilya ang nagsisilbing inspirasyon sa atin.
Ako masasabikong maswerte ako mula sa pagmamahal at ateisyong ibinibigay ng mga magulang at ng mga kapatid ko.Simple lang ang buhay koat simple lang din ako.Pero alam nyo ba na kuya's girl ako???Opo kuya's girl ako katunayannito mayroon akong dalawang kuya,yung isa nakakasama ko sa bahay;samantalang yung isanaman hindi dahil kasalukuyan siyang nagtatrabaho sa barko,siya ang nagpapaaral sa akin.
Isa-isahin natin ang mga ugali ng mga kuya ko na talagang gusto ko at talagangminahal ko.Pero bago yun papakilala ko muna sila.Ang una si Joseph Sumala tawag sa kanya ay "otep"siya ang kuya kong pangalawasa matanda,mabait siya,lagi niya akong binibili ng pabangoat talaga namang malapit kami sa isa't isasa kanya ako nagsusumbong kapag inaaway ako ng kapatid kong bunso.Tumutulong din siya kay Papa sa gastusin sa bahay.Ang pangalawa ko namang kuya ay si Jojo Sumala"jojo"ang tawag sa kanya.Si kuya Jojo ay responsableng kuyadin dahil ngayon ay nagtitiis siya ng malayosa mga minamahalniya sa buhay.Nagtatrabaho siya para makatulong kay Mama at Papa,at syempre para makapag-aral ako.Malayo man siya sa akin ramdam ko parin ang pagiging kuya niya sa akin.lagi niyang kinakamusta ang pag-aaral koat lagi niyang pinapaalala na mag-aral akong mabuti para maibalik namin sa aming mga magulangang paghihirap nila para mapalaki kaming magkakapatid.Matanda na kasi dila Mama at Papa kaya ayaw na nila kuya ko na magtrabaho sila.Kuya's girl ako at maswerte ako dahil sila ang mga kuya ko.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)